Posts

HARMONY OF THE GOSPELS JOHN 5:19-30

Image
TAGALOG Juan 5:19-29 Ang Kapangyarihan ng Anak 19 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak,  20 sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya at higit pa sa mga ito ang mga gawang ipapakita sa kanya ng Ama upang kayo'y mamangha.  21 Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayundin naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin.  22 Hindi humahatol kaninuman ang Ama, sa halip ay ibinigay na niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol  23 upang maparangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa Anak. 24 “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na w...

ANG PAGTATAMA NI YAHWEH ELOHIM SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO NG LAHAT NG BAGAY AT ANG PAGPAPAGALING NI HESUKRISTO NG PARALITIKO

Image
  ITINAMA NI YAHWEH ANG LAHAT NG BAGAY SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO Roma 3:21-31 21 Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang nagpapatotoo rito.  22 Ang taoʼy itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid.  23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.  24 Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios.  25 Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipak...

TATLONG MAYAYAMAN NA TUMULONG SA MAHIHIRAP SA AKLAT NG MGA GAWA

Image
TATLONG MAYAYAMAN NA TUMULONG SA MAHIHIRAP SA AKLAT NG MGA GAWA 1) JOSE/BERNABE (Mga Gawa 4:32-37) 2) CORNELIUS (Mga Gawa 10) 3) LYDIA (Mga Gawa 16:11-40) -------------------- JOSE BERNABE Si Bernabe ay tinawag na anak ng propesiya o pagbibigay-aliw. Siya ang kasa-kasama ni Pablo sa ilan sa kanyang mga paglalakbay bilang misyonero. Si Bernabe ay napaka-mapagbigay. Ang kanyang unang naitala na gawa ng pagiging bukas-palad ay ang pagbebenta ng kanyang ari-arian na napagbentahan ay ginamit bilang isang pondo para sa pangangailangan ng unang grupo ng mga Kristiyano. Ang kanyang pagiging bukas-palad ay nagbigay inspirasyon sa iba pang mga di-mananampalataya na tanggapin si Jesu-Kristo bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas, isuko ang lahat kay HesuKristo at nagpabautismo kay Bernabe. Mga Gawa 4:32-37 Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya 32 Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa laha...

ANG PAGPAPAWALANG SALA NI YAHWEH SA TAO

Image
  Roma 3:21-26 Ang Pagpapawalang-sala ng Diyos sa Tao 21 Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at ang mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito.  22 Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao,  23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.  24 Ngunit dahil sa Kanyang kagandahang-loob na walang bayad Niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na Siyang nagpapalaya sa kanila.  25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa Kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang Siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi Siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.  26 Ngunit ngayon ay ipinapakita n...